nagkakayabangan ang mga magkaka amigo't amiga. palibhasa nagkakaedad na kaya kailangan maging bata ang itsura.
sosyalerang lasalista (may kausap sa telepono) hello! dra. vicky confirmed na ang appointment ko sa sunday for a liposuction. i'll be there at 3pm. kailangan ko nang magmukhang bata.
konyong atenista (may tinawagan sa cellphone) hello dra. pie kailangan ko nang magpa-skin rejuvinate. are you free on friday? need ko na uling maging fresh and new look.
taga uste (tinawagan si ricky reyes) ricky, gawin mo sa akin ang gandang ricky reyes, gusto kong maging bata uli yung parang may gatas pa sa labi. i-set mo sa thursday, ok?
maypagka aning-aning na taga up (tinawagan si ellen) pabulong... hello ellen, ano bang magandang paraan para magmukha uli akong bata ... yung parang teen ager?... pwede ka ba sa wednesday?
pobreng taga pup walang pantawag sa phone. buti na lang naka unlimited text. kaya papindot-pindot na lang sa cellphone. maya-maya pa ay may dumating na dalawang bebot. lumapit sa kanya at sabay nagbeso.
ang sabi nya sa mga kaibigang kasama... eto ang pampabata ko.... sabay bulong sa dalawang bebot... pwede ba tayo ngayon ng 24 hours?
Posted at 01:13 am by el-tomador
Permalink
kakatapos lang ng klase at nagkayayaan ang mga magkakaibigan.
sosyalerang la salista nasa casa ang tsekot. walang cash , card lang ang nasa wallet. kaya sa tren na lang sumakay. kaya eto ang nakalagay sa shirt nya.
konyong atenista feeling superior, nais na yabangan ang ang kaibigang lasalista dahil hindi naka pasok sa ateneo. eto ang suot na t-shirt. mababasa kapag nakaharap.

ang nakasulat sa likuran
taga uste mahilig kasi sa cheering habang nanonood ng basketbol kaya ateo ang suot.
may pagka aning-aning na taga up feeling nya ang batch na nya ang pinaka sikat sa buong unibersiad kaya eto ang suot nya.
taga PUP naka suot ng kulay pulang t-shirt. lahat nakatingin sa suot nya binabasa ang nakatatak sa harap ng damit. naka burda ang logo ng crispa t-shirt
pasensya na... amoy pawis ang pang world record kong t-shirt.

Posted at 12:40 pm by el-tomador
Permalink
gumimik ang mga magkakaibigan sa isang lupalop ng sta.mesa. walang nagdala ng sasakyan at wala rin mahanap na taxi kaya patok na dyip na lang ang kanilang pinag tiyagaan.
habang nasa kahabaan ng biyahe sa aurora boulevard, may isang lalaki na sumigaw ng holdap.
Sosyalerang la salista palibhasa natutukan ng patalim, biglang napasabi ng "Oh my god!"
Konyong atenista "gosh! dude! don't hurt me please . i'll give you na my cellphone o".
Taga uste nawalan ng rele kasi natulala na lang.
Maypagka aning-aning na taga UP nanahimik. imbes na wallet ang kukunin, rosaryo ang nadampot.
Taga PUP cool na cool. parang normal lang ang nangyayari. nagtaka ang mga kaibigan at tinanong sya? di ka ba natatakot? Hindi
tinanong uli sya kung bakit? ang sagot nya... kakilala ko kasi yan. nakakalaro ko sa riles mag dota.
Posted at 03:58 pm by el-tomador
Permalink
eksena sa isang bar habang nag-iinuman ang magkakaibigan. Dahil sa sobrang dami na nang na-inom, hindi na nila nakayanan at isa-isa nang nagsusukahan.
Sosyalerang la salista:"for a while". sabay tumayo. tumingin sa kanan at kaliwa. sabay suka
Konyong atenista "i'll be back". naghanap ng lugar. humawak sa pader dahil sisiray-siray at natutumba. biglang sumuka.
Taga Uste "where's the cr?" lilingon lingon, naghahanap ng direksyon kung saan ang cr. habang sumusuka daig pa nya ang tigre. nakuha pang magdrama habang may kanin na lumalabas sa lalamunan.
May pagka aning-aning na taga UP may pagka abnoy ata dahil kakaiba kung sumuka.nakaupo at inginungudngod ang ulo.
Taga PUP. tang 'na. di na nakapag pigil. sabay suka sa mesa na nasa harapan nila.
"ehww!." "yuck!" sabay sabay nilang sigaw
dahil sa lasing na rin ang taga PUP, napalaban na rin ng inglisan. "your so gross... you make me puke"
Posted at 10:02 am by el-tomador
Permalink
Magbiro ka na sa bagong gising...
huwag lang sa lasenggo.
Kinabukasan pagkatapos uminom, masama na ang tama ng tiyan. Hindi na mapigilan ang pag ebs at naglalabas na ng masamang usok ang bulkan. Nagbibigay na ng hudyat ng pagsabog pero umandar pa rin ang aming kagaguhan.


sa aming pamamahay, daig ko pa si san pedro pagkat ako ang may hawak ng susi ng labasan ng sama... ng sikmura.
Posted at 09:46 am by el-tomador
Permalink
hinay- hinay lang sa pag-inom. daanin na lang sa mga kwentong pang lasenggo, huwag sa pamumukpok ng ulo.


Posted at 09:40 am by el-tomador
Permalink
damit ng tomador. gusto nyo ba? mabibili lang sa murang halaga. yung nga lang, dadayo pa kayo sa baguio para makabili nito.

Posted at 06:29 pm by el-tomador
Permalink