|
|
sabay-sabay muna natin iwan ang kasalukuyang mundong ginagalawan. halina't magsama-sama. umpishan ang kwentuhang walang humpay. kwentong barbero man iyan o kwentong kutsero wala pa rin panama sa mga kwentong lasenggo. kalimutan ang problema, tigilan na ang pagluha. bawal ang kadramahan. sabay-sabay sa pagtagay. wala munang magsisiuwian hanggat hindi gumagapang. panalangin ng isang manginginom: sabay sabay sa pag kampai! dalangin ko kay SAN MIGUEL na isakay ako sa RED HORSE patungo sa WHITE CASTLE doon sa BARCELONA para makilala ang GENEROSO at mabait na EMPERADOR na si ALFONSO at manood ng mga MATADOR habang umiinom ng FUNDADOR hik! (mula sa baguio souvenir shop) |
saplot 2 kakatapos lang ng klase at nagkayayaan ang mga magkakaibigan. sosyalerang la salista nasa casa ang tsekot. walang cash , card lang ang nasa wallet. kaya sa tren na lang sumakay. kaya eto ang nakalagay sa shirt nya. ![]() konyong atenista feeling superior, nais na yabangan ang ang kaibigang lasalista dahil hindi naka pasok sa ateneo. eto ang suot na t-shirt. mababasa kapag nakaharap. ![]() ang nakasulat sa likuran ![]() taga uste mahilig kasi sa cheering habang nanonood ng basketbol kaya ateo ang suot. ![]() may pagka aning-aning na taga up feeling nya ang batch na nya ang pinaka sikat sa buong unibersiad kaya eto ang suot nya. ![]() taga PUP naka suot ng kulay pulang t-shirt. lahat nakatingin sa suot nya binabasa ang nakatatak sa harap ng damit. naka burda ang logo ng crispa t-shirt pasensya na... amoy pawis ang pang world record kong t-shirt. ![]() Posted at 12:40 pm by el-tomador
|