|
|
sabay-sabay muna natin iwan ang kasalukuyang mundong ginagalawan. halina't magsama-sama. umpishan ang kwentuhang walang humpay. kwentong barbero man iyan o kwentong kutsero wala pa rin panama sa mga kwentong lasenggo. kalimutan ang problema, tigilan na ang pagluha. bawal ang kadramahan. sabay-sabay sa pagtagay. wala munang magsisiuwian hanggat hindi gumagapang. panalangin ng isang manginginom: sabay sabay sa pag kampai! dalangin ko kay SAN MIGUEL na isakay ako sa RED HORSE patungo sa WHITE CASTLE doon sa BARCELONA para makilala ang GENEROSO at mabait na EMPERADOR na si ALFONSO at manood ng mga MATADOR habang umiinom ng FUNDADOR hik! (mula sa baguio souvenir shop) |
Usapang lasing eksena sa isang bar habang nag-iinuman ang magkakaibigan. Dahil sa sobrang dami na nang na-inom, hindi na nila nakayanan at isa-isa nang nagsusukahan. Sosyalerang la salista:"for a while". sabay tumayo. tumingin sa kanan at kaliwa. sabay suka Konyong atenista "i'll be back". naghanap ng lugar. humawak sa pader dahil sisiray-siray at natutumba. biglang sumuka. Taga Uste "where's the cr?" lilingon lingon, naghahanap ng direksyon kung saan ang cr. habang sumusuka daig pa nya ang tigre. nakuha pang magdrama habang may kanin na lumalabas sa lalamunan. May pagka aning-aning na taga UP may pagka abnoy ata dahil kakaiba kung sumuka.nakaupo at inginungudngod ang ulo. Taga PUP. tang 'na. di na nakapag pigil. sabay suka sa mesa na nasa harapan nila. "ehww!." "yuck!" sabay sabay nilang sigaw dahil sa lasing na rin ang taga PUP, napalaban na rin ng inglisan. "your so gross... you make me puke" Posted at 10:02 am by el-tomador
|